6.23.2004
Mahilig kaming magtambak ng mga bagay. Ang nanay ko lahat itinatago. Nahawa na nga sa kanya ang ate ko kasi lahat ng boxes at wrapper e itinatabi at baka magamit uli. Ako naman sa plastic bag. Kahit gaano kaliit o gaano kalaki itinutupi ko at inilalagay sa isang cabinet na sadyang pang plastic bag lang. Parang pinanghihinayangan namin ang bawat gamit. Baka kasi magamit pa. Pero kadalasan hindi na nagagamit. Kaya dumadagdag lang sa kalat sa bahay.Kapag itinabi na ang gamit nakakalimutan namin 'to lagi. Gaya na lang ng rack sa banyo na lalagyan ng mga shampoo at kung anu-ano. Kahapon lang nailagay. E tatlong taon nang nakatambak iyon sa bahay. Nang maglinis ang bago naming kasama sa bahay, nakita niya ang box ng rack. Tinanong niya ang nanay ko tungkol doon. Saka lang naalala ng nanay ko na naitabi pala niya ito.
Ganyan din sa mga bagay na inilagay pansamantala sa isang tabi, ang nangyayari nagiging permanente na doon. Kaya matapos ang Pasko, kapag hindi inalis kaagad ang mga palamuti at decorations, papatak ang Valentine's Day at meron pa kaming Christmas balls na nakasabit. Buti na lang at malaki ang Christmas tree at abala kaya naliligpit agad. Pero naalala ko na may mga taon na pangalawang linggo na ng Enero o kumukuti-kutitap pa rin ang Christmas tree namin.
Minsan, nang ako ang nakatoka na magligpit at magatago ng Christmas tree, inabot ako ng kalahating araw sa pagabaklas lang ng puno at pagsisilid nito. Habang tinatanggal ko kasi ang mga dahon e kumakain ako at nagbabasa ng libro. Kaya ang bagal-bagal ng usad ko. Na ikinainis naman ng nanay ko. Bakit daw kasi ang bagal-bagal ko? Ang sagot ko naman sa kanya, bakit ako magmamadali? Wala naman akong gagawin buong araw. Ano ang hahabulin ko? Kapag nailigpit ko ang Christmas tree sa isang oras, tapos? Anong gagawin ko?
Hindi ko maintindihan ang pagmamadali. Para sa akin kasi, magmamadali lang dahil may hinahabol. Dahil may kasunod na gagawin, dahil may nakapila sa likod. Pero kung wala naman. Bakit? I-enjoy mo na lang ang sandali kaysa pagurin ang sarili at maghabol ng balewala.
Ngayon ko lang napagtanto na Pinoy na Pinoy pala ang attitude na 'yun. Nasasaisip ko ang isang lumang joke ng isang magsasaka at isang kastila.
Tuwing dumadaan ang kastila sa bukid ng isang Pinoy na magsasaka, napapansin niyang lagi itong nakahilig sa puno at nagpapahinga sa lilim nito. Hindi ito nag-aararo. Bagkus, natutulog lang. Kaya isang araw, nilapitan na ng kastila ang magsasaka, sinabi nito na "You lazy bum. Why don't you work the fields?"
Naalimpungatan ang pinoy, "And if I work the fields, then what?"
Kastila, "You harvest more?"
Pinoy, "And if I do, then what?"
Kastila, "You sell it. And you earn more."
Pinoy, "If I earn more, then what?"
Kastila, "Then you have more money for leisure."
Sagot ng Pinoy, "This is leisure." At natulog siyang ulit.
<<
Ernan at 3:09 PM
2 Comments
- at 6:12 PM said...
[url=http://firgonbares.net/][img]http://firgonbares.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]medical store softwares, [url=http://firgonbares.net/]Suite 4 Design[/url]
[url=http://firgonbares.net/][/url] adobe software trials vista software downloads
math education software [url=http://firgonbares.net/]order software program[/url] nero 9 disappear
[url=http://firgonbares.net/]to buy educational software[/url] to buy software in hong
[url=http://firgonbares.net/]pro software purchase[/url] buy software for cheap
download adobe photoshop cs4 [url=http://firgonbares.net/]publisher software downloads[/b]- at 2:06 PM said...
[url=http://bariossetos.net/][img]http://vonmertoes.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]software reseller discount, [url=http://bariossetos.net/]quarkxpress 4, torrents[/url]
[url=http://hopresovees.net/][/url] filemaker pro 10 advanced torrent is discount software
microsoft pocket pc software [url=http://hopresovees.net/]cheap pc software[/url] microsoft software service
[url=http://vonmertoes.net/]academic software sale[/url] software discounts for non
[url=http://bariossetos.net/]quarkxpress filemaker pro[/url] Pro Extended Mac
windows xp upgrade [url=http://hopresovees.net/]how to store software[/b]