4.22.2004
Ilang mga sumulpot na ideya at tumatak na sandali:Namumulaklak ang narra. Pasko ng Pagkabuhay ng ituro sa'kin ng ate ko ang mga sumabog sa dilaw na matatandang puno. Naisip ko na kung nasa kolehiyo pa ako, amoy sabon ang mga walkways at nagkalat ang mga malilinggit na dilaw na bulaklak.
Ang hinahanap-hanap ko'y isang batayan ng sukatan na tunay kong aangkupin. Sukatan ng sarili at ng buhay. Na masasagot ko lang kung nakumbinse ko na ang sarili sa patutunguhan ng buhay. O ang sukatan ba ang magtatakda ng paroroonan?
Laging nagtatambis ang mga tao. Hindi maiiwasan.
Hindi makaka-iwas sa usapang pulitika kapag pinag-aaralan ang Pilipinas. Umalis ako sa lumang trabaho dahil ayoko ng makigulo pero ang lagapak ko e pag-aralan at prublemahin ang pamumulitika at pulitika ng Pilipinas.
At talaga nga namang pinangatawanan na ng mga pulitiko ang pagiging produkto nila at tahasan na silang nagpapa-endorso sa mga artista. Ang mga public servants natin ay katulad na rin ng mga nagdamihang whitening soaps. Nagkalat sila at ipinamumudmod sa atin ngunit mabisa ba sila? Kailangan nga ba natin talaga sila?
Hindi natatapos ang kahapon.
<<
Ernan at 6:58 PM