7.29.2003

July 29, 2003 || 4:29 am


Sa payat kong 'to, nagiging insomniac pa ako. Kapag wala kang ginagawa, nagpapatong-patong ang oras. Di mo namamalayan baka buong buhay mo na ang lumilipas. Wala ring bisa ang pagtatakda ng mga gawain, na dapat makagawa ng ganito o ganoon ng ganito o ganoong oras. Lahat naisasantabi.

Dumarami nang dumarami ang dapat gawin samantalang kahit isiping dapat nang simulan, may mga bagay na nagpapabinbin na maliliit o malalaki (kadalasan maliliit). Sa pagdami ng dapat gawin, lalo kang tinatamad.

Pinangalanan ko na ang ganito kong tendency ng inertia. Na kapag at rest ka, at rest ka na lang parati. Hindi ko alam kung saan dapat manggaling ang tulak na magpasimula ng gulong. Matagal ko nang nadiskubre na kapag sarili ang pinag-uusapan, nawawala ang disiplina ko.




Ang disiplina at sakripisyo sa akin ay magka-akibat. Ako na pinapabayaan ang sariling mag-enjoy at laging spur of the moment at impulsive. Kung saan masaya, doon ako. Ang pilosopiya nga noong nag-aaral e kung papasa naman bakit pa pahihirapan ang sarili para habulin ang mga letseng grades.

Kaya nga sinusubukan ko ang sarili. Magastos kasi ako. Basta may pera sa bulsa, dukot lang. Hindi naman maluho. Pagkain, libro, musika at sine lang naman ang pinagkakagastusan. Ginagaya ko ang kaibigan na si Ronald na basta may baryang limang piso ay hindi ginagastos at inihuhulog niya sa alkansiya. Aba! malaki rin ang naipon niya.

Manggagaya na rin lang ako, pinagbuti ko na. Kaya ako, basta may 10 piso at 50 pesos na matanggap hindi ko gagastusin. Kahit iyon na ang huling barya at kailangang i-break ang 1,000 pesos ginagawa ko.

Pakonti-konti at baka tumatak ang pagiging tihik sa akin.




Mga napupulot:

Sabi ni Jackie Chan, "I don't think. I just do."

Sabi ni Hammerstein, "Fools give reason, wise men never try."

Sabi ko naman, "Putsa, nakakapagod nang maghanap."

Sabak!




May dahilan talaga kung bakit laging maayos dapat ang bihis mo. Hindi mo alam kung sino ang makakatagpo mo.

Ang buong araw kahapon ay isang leksiyon sa kagandahan ng pagiging banidoso. Mula sa Provocative, ang tsokolateng t-shirt at ngiting pulpol.




Huwag daw pangunahan pero babanggitin ko na rin kahit wala pang official announcement.

Congrats kay Alwynn dahil nanalo siya ng 1st Place sa Tula sa Palanca.
Congrats kay Jing dahil nanalo siya ng 3rd Place sa Tula sa Palanca.

Husay niyo!

Naka-dale rin tayo Jing sa tula (hehe). At hindi ako naniniwala sa'yo na karambola at jackpotan ang Palanca. O sige na nga, ngunit nagpapadagdag ng odds ang husay at talento. At iyon, marami kayo.

Naku, sigurado ako at magpapapista ang nanay ni Jing. Ihahanda ko na ang tiyan ko. At malamang, may banda na namang sasalubong kay Alwynn kapag bumalik siya sa Ilocos.

Ernan at 4:44 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment