7.14.2003

July 14, 2003 || 2:39 pm


Nakasagap ako ng balita na matagal na palang nagbabalak ang Gainax na gumawa ng live action na pelikula ng Evangelion. Iyon nga lang ayaw nilang mahulog sa bitag ng Hollywood rip-offs. Ang gusto nila'y iyong magiging matapat sa series. Kasalukuyan raw nilang kinakausap ang mga tao sa WETA, ang special effects group ng Lord of the Rings, para sa mga paunang konsepto.

Hindi ko alam kung totoo o tsimsis iyan. Pero maigi nang may inaabangan. Sana nga. Kung sakali, sino kaya ang gaganap na Ayanami Rei?




Nakakalito ang panahon. Hindi mapagdesisyunan kung iinit o uulan. May mga araw na halos igapang mo na lang ang sarili sa nakakapanglupaypay na init. May ibang araw naman na di mo alam kung saan ka sisilong sa hagupit ng ulan.

At dahil dito, na-miss ko tuloy ang beach. Na-miss ko na naman ang buhangin. Siyempre, ang bato.

Ilang buwan nang huli. Pero heto lang naman talaga ang ginawa ko sa Galera trip. Ang akyatin ang maaakyat na bato. Umupo sa tuktok at panoorin ang mga papalapit na alon.





Ernan at 3:05 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment