7.12.2003

July 12, 2003 || 3:10 am


Kung papaanong laging salitang mura o bastos ang natutunan sa isang bagong wika. Bago pa man ang salitang kaibigan o pag-ibig o pagtulong, kapalaluhan ng wika ang inaatupag.

Mas madaling lumabas sa bibig ko ang mura kaysa sa salamat o mahal. Mas madulas sa dila ang gago at kumakayod naman ang papuri. Hindi ko alam kung bakit pero nakasanayan na ng lahat na huwag damdamin kung masabihan ng tarantado.

Napakaraming mura na ang pinagdaanan. Nahalo na sa araw-araw na pananalita at pamumuhay. Putsa, putsa nga ang pamagat ng blog na 'to. At bawat mura ay isang yugto sa pinagdaanan ko. May mga kuwento, mukha o pagkakataon na lumalabas kapag pinag-isipan ang salita.

Mula sa napakasimpleng tanga ng kabataan. Na nang mga panahong iyon ay nagbibigay kaba pa sa dibdib kapag sinabing, "isusumbong kita sa mommy mo, sabi mo tanga ako." At ang bentesingkong katumbas ng bawat Fuck You sa english class. Hindi ko namamalayan, napakarami ko na palang naimbak na pagmumura sa bokabularyo ko. Heto nga't itinala ko sa baba ang lahat ng naaalala:

tanga, gago, tarantado, shit, fuck, fuck you, pakinangshet, pakingshet, pakshet, tang ina, putang ina, sira ulo, letse, bal, balalu, tae mo, murit, tongek, tongengerts, taragis, putragis, damn you, damnit, dangit, darn, fudge, asshole, ass, bitch, butthole ka, walang hiya, bastard, jologs, estupido, stupid, dumb ass, putsa!

Ernan at 3:19 AM

0   comments

0 Comments

Post a Comment