7.10.2003

July 10, 2003 || 4:49 pm


Kagagaling ko lang sa pinakamalalang interview ko. Lahat ng mali sinabi ko. Isipin mo na lang si Spud sa Trainspotting noong naka-speed siya sa interview. Parang ganoon pero hindi naka-speed, antok. Mabilis na pagsambit — "I beg to disagree but I think you're targetting the B/C crowd as opposed to your A; they may aspire for A but it's still the B/C as opposed say to..." — babagal hihinto mag-iisip — "...uhm did I answer your question?" — kamot-ulo ngiting tanga — "...what's the question again?"

Parang kotseng start ng start at kadyot ng kadyot. Sa gitna ng isang pangungusap, hihinto bigla. Sasagutin ang tanong sa napakaraming halimbawa at matapos magsalita ng 1 minutong non-stop, babalik lang sa "Sorry...I forgot the question, what was it?" At roronda kami uli.

Hindi ko naman sinasadya na magkaganoon. Na pumalpak at pangit. Ngunit wala akong tulog kagabi at pinaghintay niya ako ng halos isang oras. Dala ang isang libro, nakabasa ako ng 114 pages habang naghihintay. Mainit ang hapon at ang gusto ko lang ay humiga. At matulog. Kaya inaantok. Kaya may pauses. Kaya wala akong pakialam. Basta matapos na lang.

Ibinasura ko ang lahat ng mga pasabi na always lead to concrete examples, never gripe about your old job, show them your a leader by recounting past projects, give problems and the measures you made to address them, etc etc. S halip, sa loob ng 30 minutos ay nasabi kong wala akong plano sa buhay, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko naman talaga kailangan at gusto ang trabahong ibinibigay niya, wala akong kaalaman sa industry at field na kinabibilangan ng trabaho, nakuwento ko ang mga masasamang karanasan sa dating trabaho, at ang pinakamahalaga sa'kin ay ang poetry.

Bago ko namalayan, gumamit ako ng mga salitang nary, affectation, concurrence, boredom. Sino ang nagsasabi ng mga iyan sa interview? Sa una'y tinatama ko pa. Ngunit nakakatamad at inaantok ako. Sa pangalawang tanong niya'y, natuwa na ako sa pagkakamali. At lalong pinabuti ang pagsasalaysay ng mga maling bagay. Sasabihin ang unang pumasok, magtatanong ng kahit ano, kahit hindi kailangan gaya ng "how about religious communities?", magkukuwento, magkukuwento, magkukuwento, hanggang makalimutan ko na kung bakit ko kinukuwento in the first place.

Nang sa huli tinanong niya ako kung I want to grow with a company daw. Ngumiti ako. Napaisip. Hinawakan ang batok. Ngumiti uli. Sumagot ng "Yes". Ano pa ba ang masasabi ko kundi oo, ang rude ko naman kapag sabihin ko no. Kaya kumabig ako at "That's frankly speaking [pause] yes [pause] yes [nodding] I do and I'm not saying that because to get the job or anything." Haha!

Tawagan pa kaya nila ako uli? Ewan. Oks lang. Masarap pa naman ang buhay.

"I’m gonna make a mistake. I’m gonna do it on purpose. I’m gonna waste my time." Fiona Apple, A Mistake, When the pawn...

Ernan at 5:10 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment