3.06.2003

March 6, 2003 || 6:11 pm


Ilang oras na akong nakikipagbunuan sa blogger para mapalitan ang ilang section sa gilid. Nauubusan na ako ng pasensya at di pa rin ako nananalo. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ginawang mali.




Kagabi'y natiyempuhan kong matamang nag-uusap si Eggy at Lav Diaz. Nakigulo ako sa usapan na humahagibis sa pagiging kritiko, pelikula, at kay Ara Mina. Nakisabit na rin sa production meeting niya para sa Ebolusyon.

Guminhawa ang naghihingalong kalooban nang marinig ang usapan nila.Noong gabi, naroroon sa harapan ko ang mga taong may tiwala sa ginagawa nila at di inaalintana ang batikos ng iba at ng pinansiyal na pangangailangan. Nasa harapan ko ang minsan kong ideal. Gawin mo ang gusto mo at bahala ang mundo. Mahalaga'y naniniwala ka sa ginagawa mo.

Matagal na akong napipiit ng mga kompromiso, sa iba at sa sarili na rin. Kakaunting hatak lang pala ang kailangan at maniniwala muli ako.

Ernan at 6:24 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment