12.20.2002

December 20, 2002 || 8:19 pm

kambal tuko

Sa hindi ko alam na kadahilanan, maaga ang prom ng mga kapatid kong nasa highschool pa. Nabanggit ko na bang kambal sila? At babae't lalake?

At dahil ang pamilya nami'y sadyang usyusero, sumama kaming lahat para magmiron. Hindi naman sinasadya ngunit ganoon na nga ang nangyari. Sinamahan ko ang ate kong maghatid sa kanila sa may New World Hotel. Binalak naming manood ng sine kaso pagdating doo'y mas nakatutuwang panoorin ang mga batang nagsisihaliparot.

Mairene ErvinAt dahil wala akong kuwentang kuya, wala akong ginawa kundi sundan sila sa likod habang kinukuhanan ng cam. Siyempre, asar talo sila. Iyon lang naman ang silbi ko bilang kuya. Mang-asar. At mag-utos.

At dahil huling prom na ito sa pamilya (at dalawa pa sila), na-excite ang nanay ko at sumunod sila ng tatay ko. Kasama pa ang pamilya ng kuya ko. Isipin mo na lang, andun kaming lahat sa labas ng function room—naghihintay, pasilip-silip, at pinagtatanong kung nasaan na ang kapatid namin. Hindi naman kami nag-iisa at ilang magulang rin ang nakatambay sa lobby.

At dahil may hiya naman kami kahit papaano (at nagutom din), nagliwaliw muna kami sa Greenbelt 3. Pero pagbalik namin, bad trip ang utol kong lalake. Paano ba naman nabasted ng gabing iyon at di man lang nasayaw ang sinta. Kahit one dance lang di pumayag.

At dahil kahit papaano'y may kuwenta naman akong kuya, inaya kong uminom kaso ayaw ng tatay ko. Kaya't umuwi na lamang kami at natulog.

after the prom. basted! Mairene and Ate Che pakyut

Ernan at 8:36 PM

0   comments

0 Comments

Post a Comment