4.23.2011
Hindi na madali ang magsulat para sa akin. Di tulad nooon.Hindi lang tula o mga malikhaing akda, kahit ano. Nahihirapan na akong magsulat. At kamakailan, habang nakasakay ng jeep o bus, o naglalakad sa kalye, napagtanto ko na parte ito ng pleasure control ko.
Iwas hirap kasi ako. Kapag ang isang bagay o gawain ay naging mahirap na, o naging balakid, o hindi ko makita ang agarang solusyon, iniiwan ko ito. Isinasantabi.
Marahil naisama ko ang pagsusulat dito. Dahil hindi naman naging madali sa akin ang pagsusulat. At sa tagal ng panahon na hindi ako nagsulat (kung tutuusin mas matagal pa ang hindi ako nagsulat kaysa sa mga taong nagsulat), lalong humihirap lang. Walang pagsasanay.
Kaya salamat na rin sa mga kaibigan na patuloy na naniniwala.
Kaya heto, kahit pakunti-kunti, sanayan uli ang utak, ang isipan, ang kalooban, ang imahinasyon magsulat, gumalaw, bumulaga, lumikaw, bumulusok, magsulat at magsulat.
Labels: muni
Ernan at 2:56 PM