11.18.2007

Bigla na lang, tinamlay ako sa panonood ng mga pelikula. Walang partikular na araw, kundi kalipunan ng mga araw nitong taon na hindi piniling maupo ng dalawang oras at manood.

Dati kasi'y halos araw-araw kung manood ako ng pelikula. Sa sinehan, sa TV, ng DVD, ng screening, ng premiere, kung saanman, kung anuman. Lumalabas pa na sa loob ng isang taon, lampas 365 na pelikula lagi ang pinapanood ko. Ibig sabihin, kapag sinuma araw-araw, sa average, may pinapanood ako.

Kaya hindi ko alam kung paano ako sinumpungan nitong katamaran manood. Ang akala ko napasaloob ko na ang panonood ng pelikula. Na parte na ng sarili. Nagkamali ako. Hindi pala. Nakakayanan ko at nakayanan kong dumistansya. Ni hindi ko naramdaman na lumayo na pala ako, na lumihis na ako sa kinagawian ko.

Baka ganito rin ang nangyari sa pagsusulat ko. Pagtitipon ng maliliit na desisyon na huwag na munang umupo at magsulat, na may ibang dapat pagkaabalahan (importante man o hindi), hanggang maitatag at masanay na.

Lumilitaw, mabilis akong makalimot. Mabilis mahumaling at mabilis ring mangayayat (hindi ang interes kundi) ang pokus. Pero gayunpaman, nanatili pa rin sa akin ang pagkamangha. Interes ko pa rin naman ang pelikula. Hindi lang kasing rubdob ng dati.

Akala ko dati malulungkot ako kapag nawaglit itong panonood ng pelikula. Hindi pala. Parang walang nawala, o mas tugma, parang may inumit na hindi mahalaga na paminsan-minsan naalala mo. Parang isang paboritong laruan na isinantabi sa likod ng closet, at paminsan-minsan pinaglalaruan ulit.

At ito nga, interesado pa rin naman ako sa panonood at sa paggawa ng pelikula, naglabas ng artikulo ang NY Times tungkol kay Daniel Day-Lewis. Isang pagtingin sa bago nitong pelikula na There Will Be Blood at ang paraan nito sa pag-arte.


Isa na siguro si Daniel Day-Lewis sa pinakatinitingala kong aktor. Una pa lang siyang mapanood sa In The Name of the Father ay hindi na ako bumitaw sa kanya. Mangilan-ngilan lang ang pelikula niya ngunit ang lahat ay mga natatanging pagganap. At ang lagi ngang balita sa kanya ay ang pagiging method actor nito. Na hanggang sa labas ng kamera ay dala-dala nito ang karakter.

"During “Gangs of New York,” Day-Lewis would stay in character and deliberately glare at his co-star, Leonardo DiCaprio, mirroring the contentious dynamic that these men had in the film. While DiCaprio withstood the pressure (and Dano thrived on it) there are reports that the first actor suffered from intimidation."

Ang lumitaw sa artikulo ay ang identification ni Day-Lewis sa mga manggagawa. Na kumikiling siya sa pagkukumpini kaysa sa pag-inom ng tsa. Na kahit may bahid ng kaunting pretentiousness, itinatatwa ang sarili sa pagiging articulate.

"I came from the educated middle class,” Day-Lewis said, “but I identified with the working classes. Those were the people I looked up to. The lads whose fathers worked on the docks or in shipping yards or were shopkeepers. I knew that I wasn’t part of that world, but I was intrigued by it. They had a different way of communicating. People who delight in conversation are often using that as a means to not say what is on their minds. When I became interested in theater, the work I admired was being done by working-class writers. It was often about the inarticulate. I later saw that same thing in De Niro’s early work — it was the most sublime struggle of a man trying to express himself. There was such poetry in that for me.”

"Day-Lewis bristled when [Hirschberg] mentioned, admiringly, that he was so articulate. “I am more greatly moved by people who struggle to express themselves,” he said, sounding a little misunderstood. “Maybe it’s a middle-class British hang-up, but I prefer the abstract concept of incoherence in the face of great feeling to beautiful, full sentences that convey little emotion.”

Basahin ang buong artikulo dito.

Labels: , ,

Ernan at 3:04 PM

0   comments


11.13.2007

Buti na lang walang nagtatanong kung kumusta na ako. Wala akong maisasagot bukod sa napakaikling tugon na "pagod." Hindi ko alam ang isasagot ko.

Kumusta na nga ba ako? Pagod.

Labels:

Ernan at 2:09 AM

0   comments