10.28.2005

Subukan mo 'to.

1. Pumunta ka sa www.google.com
2. I-type ang failure as search field.
3. I-click ang Sinuswerte Ako (I'm Feeling Lucky).

Ano ang nangyari? Tumpak, hindi ba? Ang Google ang batas!

<<

Ernan at 10:04 PM

0   comments


10.19.2005

Dapat Lolita ang pag-uusapan ko rito ngayon. Pero gaya ng ilang pagkakataon na sinubukang mag-update, napapatigil ako sa gitna ng isang parirala. Hindi naman dahil sa gusto kong ayusing mabuti ang mga pangungusap (ako pa, magrerebisa ng blog?) kundi hindi ko na alam kung ano na ang sasabihin ko.

Kaya heto, ito na lang ang pinag-uusapan ko. Na wala akong maikuwento. Ngunit nagiging ganito lang ako sa harap ng computer at dapat nang magsulat. Kapag naglalakad o nakikipag-meeting, tumutulin ang isipan sa dami ng ideyang pumapasok. Na iniisip kong dapat itala.

Kung kilala mo ako, hindi ako nauubusan ng kuwento o ng tanong. Madaldal at maingay at makulit. Dati, ganito rin ako sa pagsulat sa blog. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon natatameme ako.

Pero teka, hindi na pala. Nakapagsulat din ako ng entry sa wakas. Sabi sa'yo madaldal ako e. Kahit walang saysay, nakagasta ako ng 4 na parirala. Teka lang, kailangan ko nang tapusin 'to. Hinahatak na ako para pumunta sa awards night ng Cinemanila.

Sa susunod na lang. Pramis, sa susunod, may kuwento na ako. 'Yung totoong kuwento.

<<

Ernan at 6:46 PM

0   comments