8.27.2002

August 26, 2002 || 11:00 pm


Buong araw, ang napansin ko'y ang mga tira-tira't tapon. Paglabas pa lamang ng bahay, sinalubong na ako ng basura sa daan. Mga upos ng yosi, batang pulubi, nangingitim na balat ng saging, lumot na nakakapit sa gilid ng daan, diyes sentimos na nakahandusay, pink na plastic bag na sumasakal sa kanal, walang kapares na tsinelas, diyaryo noong ilang buwan nang nakararaan, usok sa hangin, putol na rubberband. Samakatuwid, mga bagay na isinantabi at hindi na pinapansin.

Hindi ko alam kung bakit sa buong araw sa kanila ko nabaling ang pansin. Papasakay ng MRT, hindi ang dami at haba ng pila ang nakita ko kundi ang balat ng kendi sa sahig. Ngayon ngang inililista ko ang lahat ng mga bagay na napansin, hindi ako magkamayaw sa pagbibilang. Kay dami pala ng tinatalunan ng ating paningin araw-araw, ang dami nating hindi tunay na nakikita.

At sa pag-uwi kanina, bumuhos ang ulan at namuo na naman ang traffic. Dinaluyong ang lahat ng basura at iniwan sa kalye. Ilang minuto ring di gumalaw ang mga sasakyan. Tinitigan ko ng husto ang mga basa at nanlalagkit na tao. Sa naninilaw na ilaw ng kalye, kapuwa iisa ang mukha nila, mga pagod at sinukol ng panahon. Bigla akong nangati't nanlimahid. Sabi ko, pag-uwi'y maliligo ako kaagad.

Ernan at 7:32 PM

0   comments


8.25.2002

cold turkey has got me on the run

Ernan at 10:50 AM

0   comments


8.22.2002

this is bad

Ernan at 4:06 PM

0   comments


Ernan at 4:05 PM

0   comments


Kailangan ko pa bang mag-post para lang mapalitan ang pukinangnang title

Ernan at 4:04 PM

0   comments


Kailangan ko pa bang mag-post para mabago lang ang pukinangnang title?

Ernan at 4:02 PM

0   comments



Okay, okay, okay. Everyone's insisting that I have a blog so I'm creating one.

No need to mention that this is a test. I really don't know what to put here. Right now, just stare at the wide open space.

Rest your eyes.

Ernan at 3:40 PM

0   comments